Sa Panaginip Niya Lang Ako Mahal
Monday, April 17th, 2006Kamusta ka na?
Nagising ako kaninang umaga na tila masaya. Di ko akalaing
mapapanaginipan kita. Parang totoo yung panaginip. Para bang nasa isa akong
pelikula. Dramatic. Yun ang klase ng panaginip na masasabi kong “Sana huwag na
akong magising.” Sana nga’y di na ako nagising sapagkat doon ko nadama ang
pag-ibig mo para sa akin. Ika’y aking nahahagkan sa aking mga bisig. Pero tulad
ng isang marupok na kristal, nabasag ang busilak na panaginip.
Lumipas na rin ang ilan buwan nang inamin ko sayo ang tunay
na nararamdaman ng puso ko para sa ‘yo. Mula noo’y mas lalo gang naging mailap
sa akin. Sa tuwing naririnig ko yung kanta ng Rocksteddy di ko maiwasang
sumangayon sa titik ng awit. Baka sakaling di mo pa siya naririnig dahil sa
pagiging abala mo, heto’t mabasa mo man lang.
Lagi Mo Na Lang
Ako Dinededma
Mahal kita pero di mo
lang alam
Hindi mo alam kasi
hindi mo naman ako tinitignan
Ayaw mo naman itanong
sakin kasi baka nga naman hindi naman ikaw
At hindi ko rin naman
sayo sasabihin kasi ayoko pa sa ngayon na manligaw
Mahal kita pero hindi
nga lang halata
Hindi halata kasi
wala naman akong ginagawa
Hindi ako kumikibo
hindi ako nagsasalita wala
Pero hindi ako torpe
Hindi ko lang talaga
masabi sayo ng harapan
Mahal kita pero
dehins mo pa rin ramdam
Hindi mo ko titignan
di rin kita titgnan
Lagi mo lang akong
pakikiramdaman lagi rin kitang pakikiramdaman
At araw-araw tayong
magdededmahan
Hanggang sa tayo ay
magkabistuhan
Pero ngayong malapit
nang matapos ang kanta ko
Nais kong magkaalaman
na
Nais kong ako na rin
ang magsabi sayo ng harapan
Kasi alam kong doon
din naman ang tuloy nyan
At dalawa din lang
naman ang posibleng sagot dyan “oo” o “hindi”
Kaya ‘eto na
sasabihin ko na para matapos na
At hindi na
magka-tsismisan pa
Sasabihin ko na para
wala nang problema
At para hindi na rin
kayong lahat nabibitin pa
Mahal kita pero di mo
lang alam
Minsan sadyang nakakapagod magmahal, lalo na kung walang
katiyakan ang patutunguhan nito. Pero sadyang dumadaloy ang pag-ibig kung pilit
itong ipinaglalaban. Ang pag-asa na dulot ng panaginip ay pilit gumigising sa
puso kong lugmok na sa kalungkutan dulot ng iyong pag-iwas. Pero di kita
masisisi. Mahal pa rin kita. Mahal na mahal kita. Sabihin mo nang ako ay
hangal. Siya namang tunay. Maghihintay pa rin ako gaano katagal.